Dinky:
Mismong si GMA ang lumuluto!
(MA/EP/RM)
Mismong si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nagmamaniobra
sa moro-morong impeachment proceedings at ‘pakawala’
nito ang complaint na inihain ni Marcos loyalist Atty. Oliver
Lozano.
Ito ang bombang pinasabog kahapon ni dating
Sec. Corazon ‘Dinky’ Soliman ng Department of
Social Welfare and Development (DSWD) sa press conference
na ipinatawag ng ‘Hyatt 10’, grupo ng mga nagbitiw
na miyembro ng gabinete ni Arroyo.
Sinabi ni Soliman na kaharap siya mismo
nang mag-usap sina Arroyo at presidential adviser on political
affairs Gabriel Claudio tungkol sa impeachment complaint
na isinampa ni Lozano noong umaga ng araw na iyon (Hulyo
27).
Naganap umano ang pag-uusap na ito matapos
ang "I am sorry" statement na binitiwan ng Pangulo
sa publiko kaugnay ng ‘Hello, Garci’ controversy.
"I believe it is important that I
make a statement. I was privy to a conversation. We were
outside the Palace already that time at the second floor
of the premier guesthouse when the two conversed about the
complaint (Lozano’s) and Mrs. Arroyo asked Gabby (Claudio)
if it is already endorsed. Then I heard Mrs. Arroyo saying
to Gabby, ‘pa-endorse mo na’," salaysay
ni Soliman.
"The President is intelligent, yes.
And she can be very intelligent in doing evil things,"
anang dating kalihim na nagsabing mahirap para sa kanya
na aminin ito dahil kahit paano at kahit sandali ay naging
kabahagi siya ng balak na ito na ‘lokohin’ ang
taumbayan sa ‘nilulutong’ impeachment proceedings.
"I believe the Lozano complaint is
a friendly complaint precisely to bar any other complaint,"
dagdag pa ni Soliman.
Ang Lozano complaint ay inendorso ni Alagad
partylist Rep. Rodante Marcoleta. Ngunit mariin naming itinanggi
ng kongresista ang insinuwasyon ni Soliman na tinapik siya
ng palasyo para isulong ang Lozano complaint.
"Hindi ako kasabwat ng Malacañang
at hindi ko nakausap si Claudio at maging ang Pangulo,"
diin ni Marcoleta.
Ikinayanig naman ng palasyo ang pagbubunyag
ni Soliman subalit gaya ni Marcoleta, naging maagap sa pagtanggi
si Claudio.
"Ako, I’m looking forward to
an occasion na magkatapat kami (Soliman) at magkatinginan
sa mata at ulitin n’ya ‘yung akusasyon na ‘yan
at uulitin ko naman na kasinungalingan ang sinasabi n’ya,"
diin ni Claudio.